Maaliwalas kong binabati ang mga mambabasa. Ang tunay na
tagumpay ay mismo makikita natin sa ating mga sarili. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan?Kaya nga ba nating mapaunlad
ang susunod na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin ang Pilipinas o tayo pa
ang magpapabagsak dito? Kung marunong tayong magsumikap
siguradong pangarap natin ay madaling makamit. Sa isang isang lipunan kabataan
ang pag asa ng bayan. Sa bawat tagumpay, gabay ang laging kaagapay, pamilya ay
andyan para sumuporta at panginoon ang gabay sa bawat lakbay patungo sa
tagumpay.
Marami na ngayon ang
naghihirap dahil sa krisis na dala ng gobyerno, kabataan ay kadalasan ang naaapektuhan.
Marami ng mga kabataan ang tumitigil sa pag aaral dahil ang buhay ay sobrang gipit.
Di nila alam paano nalang ang kinabukasan ng kabataan. Huwag nating hayaan na
maghirap ang bawat isa sa ating kapwa kabataan. Kapit-bisig para sa ikabubuti
ng buhay ng bawat isa sa mga kabataan, pagtutulungan ang kailangan. Edukasyon ang
ating sandata para sa kinabukasan na lagi nating inaasam, hindi lang sa atin
kundi pati narin sa ating bansang Pilipinas na gusto itong paunlarin. Ang kahirapan
ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating
kapalaran sa buhay. Sa tagumpay huwag nating kalimutan ang Diyos ay andyan para
gumabay sa ating inaasam na tagumpay. Walang imposible sa pananampalataya. Kung
gusto natin makamit ang susi patungo sa tagumpay huwag tayong magpapaapi sa mga
sinasabi ng iba. Dahil ang totoong tagumpay ay nasa sarili nating mga kamay.
Isipin mo na milyon-milyong kabataan sa buong mundo ang gustong mag aral, pero
hindi nila magawa dahil wala silang pera o dahil walang paaralan sa kanila?
Hahayaan ba nating ang ganyang sitwasyon? Kung gusto ng ating bansang Pilipinas
na mas pauunlarin pa ito, marami pang panahon para bumangon muli, mag isip ulit
at umunlad muli ang ating bansa sa kamay ng mga matagumpay na kabataan na gustong makamit ang susi sa
kaunlaran.
Pagsisikap ang laging tatandaan, itatak sa utak at huwag
kalimutan. Ang tunay na sekreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na
pagbangon sa bawat pagkakamali. Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay,
tagumpay mong pinapangarap ay lagi mong makakamtan. Ang magandang kinabukasan ay para sa mga
taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan. Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang
tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan. May mga panahong ang
oportunidad ay nagkukubli sa pansamantalang kabiguan. Kung lahat ng makakaya mo ay iyong
ibinibigay, tagumpay mo’y walang kapantay.
This is really amazing
TumugonBurahinAng galing
TumugonBurahinnaysu
TumugonBurahinAmazing
TumugonBurahinGrabe ang galing mo po maam hoho, napakagandang basahin ito,God bless you maam sana madami kapang magawa....💖💞💖
TumugonBurahin