Nabuhay sa mundo ng puno ng lungkot. Minsan di nakakaramdam ng saya, lagi nalang lungkot. Yung tipong lage nalang iniiwan, napag-iwanan at mukhang "EWAN". Di niya alam kung bakit ang gulo ng buhay. Sa tuwing nararanasan niya ang kasiyahan, kapalit naman nito ay kalungkutan. Ganyan ba talaga ang buhay dito sa mundo?
Lage nalang talo, lage nalang puot ang nararamdaman. Lage nalang sakit, lage nalang nasasaktan. May mabubuhay pa bang kompleto dito sa mundo? Siguro sanay na siyang mabuhay na laging sakit na lang ang nararamdaman. Minahal niya, sineryoso pero sa huli siya parin ang talo. Bakit kapag umibig ang isang tao, sobrang gulo, sobrang sakit at sobrang lupit. Sana wala nalang pag ibig para walang sakit. Nagmumukha ka na ngang "TANGA" dahil sa pag ibig. Pati sarili sinaktan ng sobrang lupit. Pero sa huli napagtanto naman niya na kapag nagmahal ka dapat mong tanggapin na laging "SAD ENDING" sa huli.