Biyernes, Setyembre 4, 2015

"HUGOT"


Nabuhay sa mundo ng puno ng lungkot. Minsan di nakakaramdam ng saya, lagi nalang lungkot. Yung tipong lage nalang iniiwan, napag-iwanan at mukhang "EWAN". Di niya alam kung bakit ang gulo ng buhay. Sa tuwing nararanasan niya ang kasiyahan, kapalit naman nito ay kalungkutan. Ganyan ba talaga ang buhay dito sa mundo?



 Lage nalang talo, lage nalang puot ang nararamdaman. Lage nalang sakit, lage nalang nasasaktan. May mabubuhay pa bang kompleto dito sa mundo? Siguro sanay na siyang mabuhay na laging sakit na lang ang nararamdaman. Minahal niya, sineryoso pero sa huli siya parin ang talo. Bakit kapag umibig ang isang tao, sobrang gulo, sobrang sakit at sobrang lupit. Sana wala nalang pag ibig para walang sakit. Nagmumukha ka na ngang "TANGA" dahil sa pag ibig. Pati sarili sinaktan ng sobrang lupit. Pero sa huli napagtanto naman  niya na kapag nagmahal ka dapat mong tanggapin na laging "SAD ENDING" sa huli.

Huwebes, Agosto 27, 2015

“KABATAAN ang pag asa ng bayan, KABATAAN para sa kinabukasan”

Maaliwalas kong binabati ang mga mambabasa. Ang tunay na tagumpay ay mismo makikita natin sa ating mga sarili. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan?Kaya nga ba nating mapaunlad ang susunod na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin ang Pilipinas o tayo pa ang magpapabagsak dito? Kung marunong tayong magsumikap siguradong pangarap natin ay madaling makamit. Sa isang isang lipunan kabataan ang pag asa ng bayan.  Sa bawat tagumpay, gabay ang laging kaagapay,  pamilya ay andyan para sumuporta at panginoon ang gabay sa bawat lakbay patungo sa tagumpay.
Marami  na ngayon ang naghihirap dahil sa krisis na dala ng gobyerno, kabataan ay kadalasan ang naaapektuhan. Marami ng mga kabataan ang tumitigil sa pag aaral dahil ang buhay ay sobrang gipit. Di nila alam paano nalang ang kinabukasan ng kabataan. Huwag nating hayaan na maghirap ang bawat isa sa ating kapwa kabataan. Kapit-bisig para sa ikabubuti ng buhay ng bawat isa sa mga kabataan, pagtutulungan ang kailangan. Edukasyon ang ating sandata para sa kinabukasan na lagi nating inaasam, hindi lang sa atin kundi pati narin sa ating bansang Pilipinas na gusto itong paunlarin. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran sa buhay. Sa tagumpay huwag nating kalimutan ang Diyos ay andyan para gumabay sa ating inaasam na tagumpay. Walang imposible sa pananampalataya. Kung gusto natin makamit ang susi patungo sa tagumpay huwag tayong magpapaapi sa mga sinasabi ng iba. Dahil ang totoong tagumpay ay nasa sarili nating mga kamay. Isipin mo na milyon-milyong kabataan sa buong mundo ang gustong mag aral, pero hindi nila magawa dahil wala silang pera o dahil walang paaralan sa kanila? Hahayaan ba nating ang ganyang sitwasyon? Kung gusto ng ating bansang Pilipinas na mas pauunlarin pa ito, marami pang panahon para bumangon muli, mag isip ulit at umunlad muli ang ating bansa sa kamay ng mga matagumpay na  kabataan na gustong makamit ang susi sa kaunlaran.

Pagsisikap ang laging tatandaan, itatak sa utak at huwag kalimutan.  Ang tunay na sekreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali. Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay, tagumpay mong pinapangarap ay lagi mong makakamtan. Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan. Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan. May mga panahong ang oportunidad ay nagkukubli sa pansamantalang kabiguan. Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay, tagumpay mo’y walang kapantay